菲律宾人在中国的帖子

菲律宾与中国之间的友谊和文化关系的改善是厦门菲律宾社区的使命

在世界任何地方,菲律宾人都以勤劳、耐心、热爱他人而闻名,最重要的是,他们是伟大的文化大使。

在中国东南部福建省厦门市生活和工作的菲律宾人身上也展现并自豪地展现了这些品质。

2025年3月30日,在菲律宾总领事馆的协助下,厦门菲律宾人协会(FAX)在罗宾逊广场举办了“春季宾果社交会”聚会,许多在厦门工作的菲律宾人、领事馆官员和中国朋友参加了聚会,玩得很开心。

该活动名为“FAX 春季宾果社交活动”,旨在通过有趣的互动活动加强菲律宾人的友谊并庆祝菲律宾的传统,包括最受欢迎的游戏“宾果游戏”、歌曲表演和艺术展览。

最重要的是,它鼓励厦门居民与菲律宾人一起玩乐、社交和互动——这是进一步加强菲律宾和中国之间了解和交流的明智方式。

领事查尔斯顿·赫莫苏拉在致辞中表示,这次聚会是加强两国人民良好关系和文化理解的桥梁。

他表示,这次聚会十分及时,因为今年是菲律宾和中国建交50周年。

与此同时,FAX主席、马尼拉厦门国际学校(MXIS)老师米切尔·阿非利加(Mitchel Africa)表示,此次活动支持菲律宾总领事馆的倡议,加强菲中两国人民之间的联系,并鼓励对未来项目的支持。

MXIS是厦门第一所国际学校,由菲律宾夫妇Roman Go和Midred Go于20世纪90年代创办。

除了《Bingo》之外,展览还展示了艺术家 Bong Antivola、Allan Vibar 和 Jim Karlos Bayanin 的一些杰作。

当然,没有唱歌和跳舞,菲律宾人的聚会就不算完整。

因此,专业的菲律宾歌手传递了欢乐和激动。

Pakikipagkapuwa at pagpapabuti ng ugnayang pangkulturang Pilipino-Sino, misyon ng komunidad ng Pilipinas sa Xiamen

Saan mang bahagi ng mundo, kilala ang mga Pilipino sa pagiging masipag, matiyaga, mapagmahal sa kapuwa, at higit sa lahat, magagaling na embahador pangkultura.

Ang mga katangiang iyan, ang siya ring ipinapakita at ipinagmamalaki ng mga Pilipinong namumuhay at nagtatrabaho sa lunsod Xiamen, lalawigang Fujian, timog-silangang Tsina.

Sa pagtitipong tinaguriang “Spring Bingo Social,” Marso 30, 2025 sa Robinsons Galleria, na inorganisa ng Filipino Association in Xiamen (FAX) sa tulong ng Konsulada Heneral ng Pilipinas, maraming panauhing kinabibilangang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa lunsod, opisyal ng Konsulada, at kaibigang Tsino ang dumalo at nakisaya.

Tinaguriang FAX Spring Bingo Social, layon nitong palakasin ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at ipagdiwang ang tradisyong Pilipino sa pamamagitan ng masasaya at interaktibong aktibidad, kabilang ang paboritong larong “Bingo,” pagtatatanghal ng mga awit, at eksibisyon ng sining.

Higit sa lahat, ito’y panghikayat sa mga taga-Xiamen na makisaya, makisama, at makisalamuha sa mga Pilipino – isang matalinong paraan upang lalo pang patibayin ang pagkakaunawaan at pagpapalitan ng mga Pilipino at Tsino.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Konsul Charleston Hermosura, na ang pagtitipon ay isang tulay na nagpapatibay ng mabuting ugnayan at pagkakaunawaang pangkultura ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Napapanahon din aniya ang pagtitipon dahil ngayong taon ay Ika-50 Anibersaryo ng Diplomatikong Relasyon ng Pilipinas at Tsina.

Samantala, inihayag naman ni Mitchel Africa, Presidente ng FAX at guro sa Manila Xiamen International School (MXIS), na sinusuportahan ng aktibidad ang mga inisyatiba ng Konsulada Heneral ng Pilipinas, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan ng mga Pilipino at Tsino, at paghikayat ng suporta para sa mga panghinaharap na programa.

Ang MXIS ay ang kauna-unahang internasyonal na paaralan sa Xiamen at ito ay itinayo ng mag-asawang Pilipino na sina Roman at Midred Go noong dekada 90.

Bukod sa Bingo, itinanghal din ang ilan sa mga obra maestra ng mga artistang sina Bong Antivola, Allan Vibar, at Jim Karlos Bayanin.

At siyempre, hindi makukumpleto ang pagtitipong Pilipino kung walang kantahan at sayawan.

Kaya’t saya at indak ang inihatid ng mga propesyunal na Pilipinong mang-aawit.

留下评论